News
The Scribe.
With the vision,
"We write to make it right.
For more updates from our school publication: Click here
With the vision,
"We write to make it right.
For more updates from our school publication: Click here
Linis, Bihis at Kilatis: Sistemang New Normal ni: Elyrose Ann A. Remalla Hindi magkandaugaga sa paglinis at pagpintura sa mga sulok ng silid-aralan, walang kapagurang pagbungkal at pagdukal ng mga lupa sa pagpaganda ng mga lupang uhaw at tigang matapos ang ilang buwang puwang dahil sa hindi inaasahang krisis. Isama mo na ang sandamakmak na modules na kailangan ilimbag at ihanda para sa distribusyon— ganito ang karaniwang tagpo at bugso sa Quipayo National High School bilang paghahanda sa nalalapit na taong panuruang 2020-2021 Produkto ng pagbabayanihan, nakiisa ang QNHS sa pagbibrigada at pagsasaayos ng eskuwelahan. Sinimulan nila ito sa paglinis ng mga silid- aralan, pagtanim ng mga puno, pagkumpuni sa mga sira na kagamitan, at pagbibigay-buhay sa pamamagitan ng pagpipintura na tunay na nagpaganda at nagpabalik ng dating sigla ng paaralan. Bukod dito, abala ang mga Quipayano at Quipayanang mga guro sa pagsusuri ng mga datos at paglilimbag ng mga modules na kakailanganin sa pagtuturo. Saksi ang bawat guro at mag- aaral sa pagbabago ng mundong ating ginagalawan. Mas pinahigpit ang patakaran pagdating sa usaping kalusugan kung kaya't pinabuting panatilihing malinis ang bawat sulok ng paligid. Kaakibat ng aktibidad na ito ay ang pagbubuklod ng mga guro para magkaroon ng magandang ugnayan at mapag- usapan ang gagawing hakbang sa paparating na pasukan. Gayunpaman, sa kabila ng mga hindi kanais- nais na pangyayari, mas nangingibabaw pa rin ang kagustuhan na maisakatuparan ang pagbibigay ng dekalidad na edukasyon sa mga kabataang pag- asa ng bayan. Ika nga sa tulong nito ay mahahasa ang talino at angking kakayahan ng estudyante. Kahit nasa kaniya-kaniyang bahay ay may pagkakataon pa rin silang matuto. Nahuli man sa pagbubukas ng pasukan ngayong taong 2020- 2021, makakaasang mabibigyan ng sapat na edukasyon ang mga bata at sa huli magbubunga lahat ng paghihirap na inilaan ng mga kawani at guro ng paaralan. Tiwala lang. Ika nga, #SulongEdukalidad |